Main Site | Forum | Rules | Downloads | Wiki | Features | Podcast

NLSC Forum

Talk about NBA Live 2005 here.
Topic locked

Wed Oct 06, 2004 8:15 pm

Nagkita kami ni Pinoy Idol kanina sa Harizon, kumuha sya ng Live 05 and 2k5 ako kumuha ng 2k5 kc meron narin akong live, violet-bootomed din pero dala namin pareho PS2 namin para ma-test at ok naman :D
So far mas na-impressed ako sa 2k5 because of the presentation and graphics, sa gameplay cguro neck and neck lang ang live05 and 2k5.

Wed Oct 06, 2004 11:41 pm

pareng bulls gumamit ako ng nero. pinaburn ko sa frend ko na may dvd burner. bumili na lang ako ng magandang klase na bala. copy entire disc lang.

ok sana bumili sa horizon kaso ang layo lang sa akin taga cainta kasi ako. ok ba ung 2k5? may xbox version na rin? ung live na nabili nyo dvd na ito hindi dvd-r? kwento naman dyan mga pare ko :D

Thu Oct 07, 2004 1:12 am

hanep!!! mga kababayan ko! hanep! san sa harison to? balak kong bumili ng Ps2 para lang sa nba games....ano palagay niyo this year 2k5 o live 05?

ayos talga kayo, nagkalat na sa harison ngayon ko lang nalaman!

:cool:

mabuhay kayong lahat!

kamusta yung gameplay? atat na din ako!

Thu Oct 07, 2004 2:35 am

well sa PS2 pa lang yan hintayin mo pag sa PC version na mas paniguradong ubusan :D

Thu Oct 07, 2004 2:35 am

sinubukan ko ung espn 2k4 di ko nagustuhan although may mga moves doon na wala sa live 2k4. sabi ng frend ko d magandang laruin kasi parang walang movement ng player at 4 lang ang plays sa offense. di ko lang alam this time kung maganda ang 2k5 for espn pagka lumabas yan sa xbox bibili ako ang nawala ung inside drive nalugi ata.

Thu Oct 07, 2004 2:38 am

jaywill wrote:sinubukan ko ung espn 2k4 di ko nagustuhan although may mga moves doon na wala sa live 2k4. sabi ng frend ko d magandang laruin kasi parang walang movement ng player at 4 lang ang plays sa offense. di ko lang alam this time kung maganda ang 2k5 for espn pagka lumabas yan sa xbox bibili ako ang nawala ung inside drive nalugi ata.


well compare sa live05 hindi sya maganda pero kung i compare mo sya sa live04 mas maganda ang 2k4 hindi ko lang alam this year kung sino ang mas maganda 2k5 or live05

Thu Oct 07, 2004 2:54 am

nilaro ko kasi ang espn 2k4 di ko nagustuhan dre. di gumagalaw ang mga players doon tsaka may dribble move doon na parang pang and 1 streetball parang kengkoy nga ang dating :D

Thu Oct 07, 2004 3:08 am

jaywill wrote:nilaro ko kasi ang espn 2k4 di ko nagustuhan dre. di gumagalaw ang mga players doon tsaka may dribble move doon na parang pang and 1 streetball parang kengkoy nga ang dating :D


well mas gusto ko kasi yung 2k4 compare sa live04 ang ayw ko lang dun yung dunk hindi maganda parang ewan :D

Thu Oct 07, 2004 5:09 am

ang hindi ko pa nagustuhan do ung hindi mo maeedit sa espn ung team roster kelangan mo syang i download tru xbox live.

Thu Oct 07, 2004 9:54 am

pare as usual naubusan nanaman ako dvd-r copy kahapon sa harrison kc nakatulog ako e..neway sbi bka may dumating ulit ngayon na dvd copy.cguro bili ako tpos bili nalang ulit ako ng gold copy sa glorietta,.tumawag pla ako sa glorieta sbi d na dw sila ngbebenta ng peke...ewan ko lang kung totoo un.pero cguro punta parin ako later or tom para lang tignan....kailangan ba dala m ung ps2 m pag bibili ka ng dvd-r copy?kc dba may testing naman sila na ps2 dun?

Thu Oct 07, 2004 10:18 am

bro kung ako sayo wag ka na magpaka hirap sa PS2 version hintayin mo na lang yung PC version

Thu Oct 07, 2004 12:10 pm

dumaan nga ako last week sa glorietta, mejo nagkakahigpitan ng sinturon dun, I bet harison at raon nalang ang place to be, hirap talaga ng gusto ng bball games....mahal na bisyo, ka'adik pa...........

If anyone can honestly tell me which of the 2 competing bball games are closer than real life nba, then I salute u!

I started out in snes...nba live...then shifted to dreamcast 2k series....until 2k2..."the best" 2k2 series ever....then 2k3 glitches came....sucked gameplay....went to live 2004.................now what?

mejo ayaw ko madis appoint sa only past time ko with my brother...so yung mga nakalaro, paki sabi naman ang diff para malaman ko kung bibili ako ng ps 2 o hindi...

MABUHAY!

Thu Oct 07, 2004 12:25 pm

pre, sa totoo lang di ko alam kung ano ang mas maganda ngayon... pero sa mga reviews sa IGN, favored ang NBA Live 2005 kesa sa 2K5... and yung nag-review sa IGN parang alam niya ang sinasabi nya di tulad ng sa gamespot. Of course you CAN'T go wrong with Live with the addition of the All-Star Weekend.

ako rin nag-start sa Sega Genesis Bulls vs. Lakers, tapos Live 95 - 2000 sa Ps1 and PC, then bumili ako ng Dreamcast and played NBA 2K2... for me the best bball games are NBA Live 2000 and NBA 2K2.

Punta ako ng Sta. Lucia ngayon, titingnan ko kung meron ng NBA Live 2005.... ATAT!!!

Thu Oct 07, 2004 1:43 pm

Nagsimula ako sa NBA Live gamit ang Sega Genesis. Naiinis pa nga ako noon kasi ung mga cartridge nilang peke eh walang battery kaya di ka makapagsave. ginamit ko ung sega ko up to nba live 97. nag pc rin ako at nag ps1. nag shift lang ako sa pc nong gumanda na ang graphics ng live. nagsimula ito sa live 98. doon ko nadiscover ung mga patches. madalas pa nga ako pumunta sa old site ng nlsc :lol:

Noong 2002 bumili ako ng xbox doon ko na nilaro ang live since then.
Although noong 2002 bumili ako ng live 2002 di ko nagustuhan. Napangitan ako sa live na yon together with 2k1. Nagswitch ako sa nba inside drive 2002. Nagustuhan ko ung initial release ng microsoft ng basketball game na ito. Kaso nalugi na ata ung inside drive wala nang lalabas for this season.

Mula noong binili ko ung xbox ko tinamad na akong maglaro sa pc. Kelangan kasi souped up ung pc mo para mag enjoy ka ng todo sa nba live. Ang maganda lang sa pc ay may patches ka.

Thu Oct 07, 2004 2:34 pm

well i started nbalive with my old SNES live95 yun hanggang nagkaroon ako ng PC noong 1998 sakto lumabas din yung nbalive 98 noon sa PC at tama si jaywill naabutan ko rin yung lumang NLSC kung hindi ako nagkakamali kulay itim pa yung site nila at konti pa lang noon ang members hindi katulad ngayon kaya yung 10th anniversarry ng live e nasimulan ko kung baga hehe hindi ako nag ship sa ibang basketball sa PC pero nasubukan ko rin yung nba inside drive 2000 sa PC at yung fox sports nba basketball 2000 mas mabuti pa noon may kakumpetensya ang EA kaya siguro maganda yung nba live 2000 dahil marami silang kalaban ng mga panahon na yon unlike ngayon wala na sila kalaban sa PC market kaya siguro parati na lang nilang hinuhuli sa pag released ng live sa PC nakakainis ang EA ngayon kung mag rereleased lang ang sega ng basketball sa PC e di sana mas makakapamili ang tao kung ano talaga ang da best basketball game of all time.

Thu Oct 07, 2004 5:03 pm

DjSoY wrote:
If anyone can honestly tell me which of the 2 competing bball games are closer than real life nba, then I salute u!


MABUHAY!


wrong grammar....dapat,

"If anyone can honestly tell me which of the 2 competing bball games IS closer TO real life nba, then I salute u! "

salamat mga pre, i'll w8t for the others

Fri Oct 08, 2004 1:47 am

as for sega di gagawin noon magrelease sa pc kasi dedicated lang sila sa console gaming. there was a time na sila ang sikat na console natalo ata sila nong nilabas nila ung dreamcast. sayang at nagflop itong console na ito at di na nasundan.

Fri Oct 08, 2004 1:51 am

Alam nyo dre nong unang nilabas ang live 95 for the PC. Yung patches nito nakukuha ko lang sa bbs. Doon ko nga nakilala sila tim tirschner ( di ko na sure kong eto nga spelling) at si Ludz (tama ba). Sila ung nagagawa ng patches noon. Nalaman ko na lang na kinuha na pala si tim na consultant ng EA sports for NBA live. Ang bilis nga naman ng panahon. It's been ten years now and I'm still addicted to this game.

Fri Oct 08, 2004 2:15 am

meron na akong live 2005!!! violet din yung ilalim... bka next week pa yung gold e, pero gumagana naman at 5 straight hours kong nilaro ng walang pahinga... di naman nag-hang sakin. so far astig na astig ako sa slam dunk contest!!! bili na kayo!!! sa sta. lucia ako bumili...

Yay Got 2k5

Fri Oct 08, 2004 3:04 am

hello mga kabayan!
So pumunta ako harrison and like all other people...I ran out of live copies! :evil:

buti nalang may nagiisang copy ng ESPN 2k5 pang natitira
and the dvd is violet...the quality sucks! daming gasgas
papapalit ko bukas
pero nung mga times na gumana naman ang pagrereset ko
I was having a blast
maganda ang 2k5! they have removed all of the 2k4 bugginess

Masarap gamitin si kobe pabitin bitin hehe it's cool kasi you can control the way you change the shots

oh well...siguro naman makakakuha pa ako ng live bukas nagpalista ako e haha pero honestly these violet copies suck...

Fri Oct 08, 2004 3:26 am

meron na akong vioelet copy nito for the xbox kinopya ko rin sa magandang klase na dvd-r un ang ginagamit ko right now. so far di pa naman naghahang. just to make sure iintayin ko ung gold or silver copy.

Fri Oct 08, 2004 5:29 am

Mga pre, kailan naman ang labas ng Live 05 para sa PC? Magkano ba ang copya?

Fri Oct 08, 2004 10:02 am

bro hintay hintay ka na lang malapit na yan yun din ang hinihintay ko kaysa bumili ako ng console version baka siguro nba2k5 lang ang bibilhin ko sa PS2 dahil yun lang naman ang hindi nag rereleased sa PC :D

Fri Oct 08, 2004 12:25 pm

Gudam mga tol!!

- First, thanks to ADMIN for making this thread sticky. Malamang inggit ung ibang hindi mga pinoy.. he he

- Tama sa Mystics yung store sa harisson at sa kanila una lumabas yung copy ng 'ES'.

- MGA TOL w/ rgds sa 2k5 puede 'ES' na lang yung code name natin at nakakahiya sa admin kung lagi nating mabanggit yung 'ES' eh para sa live ito.. Pero honestly, maganda talaga siya at hanep ang graphics at pati gameplay malayo sa 04.

- Kumusta NowearingJersey?? Nagkita kami sa Mystics harisson at talagang naghintay kami almost 2 1/2 hrs. para lang sa game...

- Dont worry at 200% na ang labas ng GOLD copy sa sunday sa RAON kina stanley at ung sa Lucas arts sa glorietta malabo pa ata..

- nilalaro ko muna yung 'ES' sa ngayon pero by sunday yung Live gold copy naman..

- sige mga tol at sa hanggang sa muli...

Fri Oct 08, 2004 3:15 pm

mukhang bibili na ako ng PS2 ulit dahil sa "ES" ah...binalik ba yung spirit tulad ng dreamcast?

kung oo, kukuha na ako talaga!
Topic locked